Dispo Check

Sa aming grupo, madalas kami nagkakaroon ng disposition check. Madali lang naman gawin yun. Simple lang, may apat na P kang dapat sagutin.

PAMILYA

PAG-IBIG

PINANSYAL

PAGKILOS

Hahahaha!

At ngayon, gagawa ako ng disposition check sa sarili ko dahil ako’y nauurat! Nauurat ako sa buhay ko. Stressed lang ako sa school kaya ako ganito. Gusto ko magliwaliw. :(

Sa Pamilya-

Hindi maganda ang samahan namin buhat ng umalis ang aking mama patungong London. Ako’y TIGANG sa presensya at pag-aaruga ng isang ina. Walang suportang moral akong nararamdaman mula sa kanya. Pinansyal meron pero higit pa roon ang hinihiling ko.

Sa pag-ibig -

Ehem. Ehem. Ako’y TIGANG din sa aspeto na itong aking buhay. Matagal nang hindi ko pinansin si *******. Pakshet. Hahahahaha!

Sa pinansyal -

LOL. Ako’y malungkot. Malungkot ang kaperahan ngayon sa mundo. Ako’y hamak na estudyanteng naghahanap ng pangtustos sa aking thesis at feasibility study.

Sa pagkilos -

Ay eto! Aktib ako sa ganito. LOL. Marami akong orgs sa school. Very proactive naman ako sa buhay ko kahit na TIGANG ang ilang aspeto nito. Hindi ako nagpapalubog sa mga problema at nagpapadala sa kagulumihanan.

Gets niyo ba ang pananagalog ko? Hahaha. Minsan talaga di ko alam kung saan ko nakukuha ang malalalim na salitang Filipino. :D

At ngayon, gusto kong i-tag sina:

Chikletz , Jepoy , Angel , Paps , Homer , Karen

13 Comments

  1. paps Says:

    ang lalim global depression. lols. xet ang lalim talaga ung iba di ko magets. tigang what is tigang . lolz. salamat sa tag. gagawa din ba dapat ako ng ganto. ? hahaha slow ko.

  2. Jepoy Says:

    Dahil malakas ka sakin. Meron na akong version ng tag na ito…hihihihi

  3. chikletz Says:

    anung kagulumihanan? hahaha! di ko kinaya. cge cge.. gagawin ko ‘to one of these days. salamat :D

  4. Rcyan Says:

    Naku, ang lungkot naman ng buhay mo ate… naiintindihan ko ang iyong problema sa kaperahan. ako ri’y isang hamak na estudyanteng kasalukuyang namumroblema kung saan pupulutin ang kanyang tuition fee, pambaon sa araw-araw at pantustos sa mga di inaasahang pagpapa-photocopy ng libro, notebook, assignment at mga proyektong pinagagawa ng mga gurong hindi maayos magturo.

    Hahaha! Masyado bang mahaba? Lahat ng tao, palaging may problema.

    Isa lang ang alam ko, mga patay lang ang walang problema. =)

  5. grace Says:

    Hi!

    Mahirap talaga kapag wala ang nanay sa tahanan. Iba parin talaga pag nandyan nanay mo para umalalay sayo.
    Ako kalinga naman ng tatay hanap ko. Ano kaya pakiramdam ng may tatay? LOL!

  6. Goryo Dimagiba Says:

    ung sa Pinansiyal, parang maraming TIGANG sa aspetong ito.. Tigang ang walete, tigang ang bulsa, tigang ang bank account… ahihi

  7. Karen Says:

    weeee i got tagged, thank you for this wittle sis…i’m currently transferring all my stuff to my new domain…as soon as i’m done with everything i’ll post this up and i’ll let you know about it.

    I hope things will be better for you soon, i know how that must’ve felt being away from your mom and not getting a moral support from her but just hang tight and pray.

    LMAO natawa ako sa pakshet ahaha, ay ano nga yung kagulumihanan?

    Pahirap ng pahirap ang mundo ngayon but there’s God that we can always depend on. GO GO and Fight!! wittle sis.

    Hope you’re having a great night out there. *hugs*
    God Bless you always and Take Care :D

  8. Sweetham Says:

    @paps: na-tag po kita about sa tanong mo. Sana nasagot ko siya. Hahaha :)

    @jepoy: Kuya!!!!!!!!!!! Nabasa ko na yung version mo ng dispo check. Waaahhh… Buti na lang di na ako minor kundi…*wala lang :P Salamat ng marami sa paggawa nito. Super natawa ako sa blog mo.

    @chikletz: kagulumihanan – to the nth level ng kalungkutan. hahaha. Yun ang alam kung meaning nun. Kumbaga, state of depression.

    @Rcyan: Buti na lang nagcomment ka. Todo tipid kaya ako sa baon ko. May P20 lang akong maitabi, oks na sa akin yun eh. Tsk tsk. Nabawasan kasi ng kalahati ang baon ko dahil kelangan magtipid ng mga magulang ko. Kumusta naman ung 50% off? Pero kinakaya pa kahit na thesis na ako. Ayun, kelangan ko ng trabaho tuloy. Hahaha! Salamat muli.

    @grace: Sa aking sitwasyon, well, kebs lang may tatay. Hahaha! Di kami close ng dad ko eh. Pero ung feeling na secured ka kasi may lalaking nagmamahal talaga sau. Ung handang magtanggol sau anytime at aalagaan ka talaga kasi anak ka niya. :)

    @goryo: Cge na nga. hindi na ako mangongo-po. :P pasensya na PO.

    @karen: ate!!! Magkakaroon ka na ng sariling domain?? Excited na ako. Weehh!!! And I agree pahirap na ng pahirap ang mundo ngayon, pero ako, BASTA YAYAMAN AKO. wahahah! :D god bless po at salamat.

  9. reyjr Says:

    sa tingin ko dapat may kasunod ang Dispo check na “way forward” o “daang pasulong” (ayan, nahawa na ko sayo!).

    Kung natarok mo na ang suliranin, narararapat lamang na bigyan ito ng karampatang solusyon o di kaya’y mga hakbang upang mapagaan ang iyong nararamdamang kahirapan! :D (tama ang pananagalog, magno nose bleed na ako…)

    Enjoy your life, don’t dwell on the stress! :D Bake a cake? Good luck!

  10. hari ng sablay Says:

    sablay ako sa lahat diyan,haha sa pamilya ok naman,hehe

  11. beng Says:

    wow! lalim nun ah.. thanks sis, baka ito yung gawin ko sa mga susunod na update sa blog ko. hehe..

    same tayo sa pamilya, wala din sa tabi ko ang parents ko, pero naipagmamalaki ko naman na kahit wala sila nakatapos naman kami ng pag aaral. hehehe.

  12. Rcyan Says:

    naku, member ka pala ng kabataan partylist ka na pala? goodluck! =D

  13. gesmunds Says:

    hi there! kakatuwa naman to.. gusto ko ung pagkilos na part.. na-miss ko tuloy ang college life ko.. active din ako sa maraming mga org noon kahit na mejo tigang (as you call it) sa ibat ibang mga aspeto sa buhay… minsan dun nalang humuhugot ng lakas para magpatuloy..

    hope everyhting will turn out fine with your family.. magiging ok din yan…
    goodluck to your studies! :)

Leave a comment