Archive for August, 2009

Anong masasabi mo?

di naman siguro bawal ang magpahayag ng hinaing mo laban sa nakatataas sa iyo. Iniluklok mo siya sa pag-aakalang siya ang aangat sa iyo at kakalinga sa mga karapatan mo bilang TAO.

Ngunit sa kagustuhan mong ikaw ay marinig at mabigyan ng sapat na pag-intindi, salungat at at di makataong pakikitungo ang inihaharap sa iyo ng nakatataas sa iyo. Paano na lang kung ikaw ang babaeng ito:

Ito ba ang gobyernong meron tayo ngayon?  Nahuli ka na nga, binugbog ka pa, minsan, binababoy ka pa. Paano naman kasi, isang sistemang mapang-abuso at mapagsamantala ang umiiral sa lipunan natin ngayon.

O ngayon, anong masasabi mo?

—————————-

Source: www.gmanews.tv

today’s Status

Hindi sosyalan. Hindi plastikan. LOL. Nagdaan na ako diyan. Higit pa dyan ang gugustuhin kong maranasan. Buti naman ngayon, nagbago na ako ng bahagya. Di tulad ng dati. Akala ko ok kasama ang mga elitista. Hindi pala! Wahahaha! Nahahanap ko pa rin ang tunay na kaibigan sa mga taong nakaapak ang mga paa sa lupa. Ano? May reaksyon ka?

Youth agenda and 2010 elections

© Mong Palatino, Kabataan Partylist Representative

Talumpating binigkas sa CM Recto Hall, UP Diliman….

Ano ang mga aral na pwedeng makuha natin sa buhay ni President Cory na may kinalaman sa 2010 elections? Una, boluntaryo siyang bumaba sa puwesto noong 1992. Pwede naman niyang tangkain o planuhin kung paano pahahabain pa ang termino niya bilang pangulo ng bansa. Hindi niya ito ginawa. Mas pinili niyang maglinkod sa bayan bilang isang pribadong indibidwal. Dahil dito, naiwasan natin ang kaguluhan; nagkaroon ng maayos na pagpapalit ng kapangyarihan sa bansa. Sana, sana tularan si President Cory ni President Gloria. Sana magkaroon din ng maayos na pagpapalit ng kapangyarihan sa bansa sa susunod na taon.

Noong panahon ni President Cory, mataas ang kredibilidad ng Commission on Election. Mataas ang tiwala ng publiko kina Hilario Davide, Haydee Yorac at Christian Monsod. Ikumpara ninyo sila kay Ben’s Burjer at Hello Garci; ang laking pagkakaiba!

Aktibo ang mga kabataan noong 1986 snap elections. Maraming estudyantye ang nag volunteer para bantayan ang boto ni Cory. Dahil sa sama-samang pagkilos ng mamamayan, kasama ang kabataan, natiyak natin ang panalo ni Cory. Isang aral ito para sa lahat: Kung gusto natin maging matagumpay ang halalan sa 2010, dapat sama-sama rin tayong kumilos para bantayan ang ating boto.

Mahalagang matuloy ang eleksiyon. Tapusin na natin ang MAREMAR na yugto ng ating kasaysayan. Hindi Marimar na palabas; kundi MAREMAR – Marcos, Aquino, Ramos, Estrada, Macapagal-Arroyo. May pagkakataon tayong pumili ng mga bagong lider sa 2010; mga lider na pwedeng magpatupad ng mga reporma sa pamahalaan. Pwede tayong magsimula ulit. Huwag natin palampasin ang oportunidad na ito. Kung mabigo tayong magkaroon ng pagbabago sa liderato, baka tuluyan nang mawalan ng pag-asa ang ating bansa. Baka lalong humina ang loob ng marami nating kababayan at dumami ang mga aalis ng bansa.

Noong 2001 kayo marahil ay mga elementary student pa lamang. Si President Gloria na ang pangulo noon. Kayo ay naghayskul, nagbinata’t nagdalaga, pumasok sa kolehiyo pero ang lider sa Malakanyang ay si President Gloria pa rin. Ngayong malapit na kayong mag graduate, si Arroyo pa rin ang pangulo. Sana, sana, huwag kayong pumayag na sa inyong pagtanda, sa pagkakaroon ninyo ng trabaho, sa pagbubuo ng sarili ninyong pamilya ay tatawagin ninyo pa ring presidente o prime minister si Arroyo.

Ang una nating tungkulin ay tiyakin na matuloy ang 2010 election. Kaya dapat tutulan natin ang Con-Ass o ChaCha ng Malakanyang. Kausapin ninyo ang inyong mga mambabatas na huwag ituloy ang Con-Ass. Huwag basta-basta maniwala sa Malakanyang na pabor sila sa pagsasantabi ng Con-Ass resolution.

Malaki ang papel ng kabataan sa 2010. Mahigit 40 percent ng botante ay mga kabataan. Mahigit limang milyon ang first time voters. Posibleng idikta ng kabataan ang resulta ng halalan. Pwedeng mangampanya ang mga kabataan para panalunin o talunin ang ilang mga kandidato.

Sabi ng mga PR firm, wala raw youth vote. Hindi raw kasi bumuboto ang mga kabataan. Patunayan nating mali sila. Pero ako ay naniniwala na may youth vote. Sinuportahan ng mga kabataan si Cory noong 1986. Mga kabataan ang bumoto kay Miriam Santiago noong 1992. Naging pangatlo sa halalan si Roco noong 1998 dahil sa mga kabataan. Naging senador sina Chiz Escudero, Alan Cayetano, at Antonio Trillanes dahil tinulungan sila ng mga kabataan. Higit na dadami ang bilang ng mga kabataan sa susunod na taon.

Para mangyari ito, kailangan munang magparehistro ang mga kabataan. Marami pa rin ang hindi rehistrado; akala siguro nila automatic ang pagiging botante. Sa Ilocos Sur, wala pa sa tatlong libo ang mga rehistradong bagong botante samantalang limampung libo ang inaasahan na bagong botante. Sa Misamis Oriental, 40 percent pa lang ng mga bagong botante ang rehistrado. Sana hindi ganito ang sitwasyon sa ibang probinsiya.

Pagkatapos ng registration, kailangang isunod agad ang voters’ education. Bago na ang paraan ng pagboto sa 2010. Kailangang pangunahan ng mga kabataan ang pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa bagong proseso ng pagboto. Para hindi masorpresa ang marami sa araw ng halalan, ngayon pa lamang ay ipaliwanag na natin ang tamang paraan ng pagboto.

Bahagi ng voters’ education ang pagbabalangkas ng criteria sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa. Dapat mayroon tayong youth agenda na magiging gabay sa ating pagboto. Interesado tayo sa plataporma ng mga kandidato; hindi sa kanilang kayamanan, infomercial, kasintahan, o porma.

Maganda ba ang kanilang track record? Sila ba ay tunay na oposisyon? Ano ang mga programa nila para sa sektor ng edukasyon? Susuportahan ba nila ang public higher education system? Ano ang tindig nila sa tuition rationalization proposal? Mayroon ba silang hinahaing alternatibong programa para sa ekonomiya; o baka naman “lapida” pa rin ang kanilang itatayo? Lapida – liberalisasyon, pribatisasyon, deregulasyon.

Aking reaksyon: Naalala ko lang ang sinabi ni Sir Edru sa amin noong isang araw. Karamihan daw mga nangangampanya ay di nababanggit ang Partido/Partylist na kanilang nirerepresenta. Paano raw kasi, ang iba ang palit-lipat na depende na lang kung saan sila nagbebenefit. Isipin mo na lang, kung itong mga taong ito ang humihingi ng ating mga boto, karapat-dapat nga ba nating ibigay ito sa kanila? Mga oportunista!

Dapat kayo rin ay magbalankas ng inyong sariling criteria. Pwedeng idagdag ang ating adyenda sa kalikasan, kalusugan, at mabuting pamumuno.

Huwag kalimutang bumoto sa araw ng halalan. Magvolunteer para bantayan ang boto. Kailangan natin ng mga pollwatcher na may kaalaman sa IT.

Sa pamamagitan ng ating sama-samang aksiyon, mayroon tayong pagkakataong baguhin ang maduming sistema ng halalan. Ayaw na natin ng 5G sa halalan – Guns, Goons, Gold, Garci, at Gloria. Dapat hindi na gamitin ang KBL ng mga lokal na kandidato – Kasal, Binyag, Lamay. Gusto natin ng mga makabuluhang proyekto, hindi lang dapat 3B – Basketball Court, Basurahan, at Beauty Contest.

Sa ibang paaralan, ang payo ko sa mga estudyante ay tumakbo sila sa halalan. Dalhin ang kanilang ideyalismo at talento sa loob ng burukrasya. Pero dahil kayo ay mga taga-UP, tiyak ako na marami sa inyo ang magiging pulitiko. Naalala ko tuloy ang pasaring ni Erap noong Edsa Dos. Ang sabi niya, kung babagsak daw ang kanyang administrasyon, dapat bumagsak din daw ang UP kasi karamihan ng kanyang mga Cabinet Secretary ay galing UP.

Kung kayo ay maging kawani ng pamahalaan sa hinaharap, sana’y maging ahente kayo ng pagbabago. Gawin natin ang lahat para labanan ang tukso. Don’t surrender to the dark force. Huwag ninyong gayahin si M__________ na minsang naging aktibista dito sa ating pamantasan ngunit naging kahiya-hiyang trapo nang mapunta sa gobyerno.

Aking reaksyon: Si M____?? Sino? *Hulaan niyo*

Gamitin ninyo ang teknolohiya para sa ating kampanya para sa isang malinis na halalan. Ang cellphone at internet ay hindi lamang para sa mga sex scandal at pornograpiya. Gamitin ang SMS para iulat ang mga kaso ng dayaan at karahasan, tulad ng ginawa ng mga aktibista sa Mexico noong isang buwan. Ang datos mula sa mga pinadalang text ay nilagay sa isang mashup kung kaya’t nakita natin sa mapa ang lawak ng dayaan at karahasan sa halalan.

Marami pang pwedeng gawin sa internet sa pamamagitan ng inyong mga blog, twitter, plurk, at Facebook. Kaso ayokong i-endorso sa lahat ng panahon ang virtual activism. Minsan kasi kuntento na ang marami na kumilos para sa pagbabago sa harap ng kompyuter. Dumarami ang mga kabataang naniniwala na posible ang pagbabago sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga advocacy o cause sa kanilang Facebook. Hindi na sila lumalahok sa mga pulitikal na aktibidad dahil pinanonood na lang nila ito sa youtube o kaya’y binabasa na lang sa mga blog o mga tweet sa twitter.

Sa YM pwede kang maging invinsible kahit nandun ka naman. Ganito rin ba ang ginagawa natin sa ating tunay na buhay? Gusto nating maging invinsible sa harap ng mga samu-saring problema sa ating paligid? Huwag nating gayahin si lola techie ng Bayan DSL ad: isang matalino’ aktibong lola pero nilalaan ang oras sa harap ng komyuter. Ito ay isang malungkot na buhay. Celebrate life, not virtual life. Social interaction, hindi virtual interaction. Heal the world, not the cyberworld.

Aking reaksyon: Hahaha! Agree ako rito. Dati super passive ako sa mga bagay-bagay. I thought spreading the words like these through the net is enough. I realized it too soon that activism is the key. Hindi lang tau puro salita at nagpapagwapo sa mga friends natin at sa  mga visitors natin sa blog. Sana kumikilos din tayo.

Noon nag-uusap pa ang mga tao sa kalye. Ngayon nakatutok ang ating mga mata sa cellphone habang naglalakad. Noon nagyayakapan ang magkakaibigan, naghahawakan ng kamay, naghahalikan ang mga tao, nagkakapit-bisig. Ngayon bawal maghawakan ng kamay sa simbahan, bawal ang beso-beso, kadiri hawakan ang kamay ng ibang tao dahil sa swine flu.

Kaya eto na ang pag-iisip ng mga tao ngayon: Ako na lang ang bahala sa sarili ko; hindi ko na kailangang magtanong sa ibang tao – hahanapin ko ang sagot sa internet; ako mismo ay gagawa ng kabutihan; ako mismo ang magliligtas sa mundo. Ako, ako, ako. Myspace. me na me – sabi nga ng globe.

Ang sabi nila 7C ang pangarap ng mga kabataan ngayon: career, car, cash, credit card, country club, condominium, citizenship. Nakilumutan nila ang ikawalong C – the Filipino youth also clamor for change.

At para magkaroon ng tunay na pagbabago, kailangan ng sama-samang pagkilos. Tayo mismo ang kikilos para sa pagbabago.

Ang Cory Aquino na Gusto ko

by kapirasongkritika [*Hindi ako ito]

Kahit naging aktibista ako, hindi ako tumigil sa paghanga kay Cory Aquino. Pero hindi sa buong buhay at buhay-pulitika niya, kundi sa ilang tampok – o pinakatampok pa nga – na bahagi nito. Syempre, kritikal ako sa rekord niya ng pamumuno. Ang kakatwa sa mga parangal sa kanya ngayon, parang hindi ang pagkapangulo niya ang tumatampok, kundi ang ibang bagay tungkol sa kanya.

Hinahangaan ko si Cory, ang maybahay na walang interes lumahok sa pulitika, pero todong sumuong dito noong naramdaman niya ang pangangailangan at aktwal na hiniling ng mga mamamayan na palitan niya ang kinamumuhiang pangulo. Hinahangaan ko ang tapang at tatag niyang labanan ang diktador na si Marcos, at ang pagtitiwala niya sa mga mamamayan na hindi lang sila boboto nang tama, kundi ay magpoprotesta kapag dinaya ni Marcos ang halalan.

Hinahangaan ko si Cory, ang dating pangulong lumabas sa pagreretiro at lumabag sa katandaan at sakit para makisangkot sa paglaban sa pinakabuktot na mga hakbangin ng mga rehimeng pumalit sa kanya. Hinahangaan ko ang kahandaan niyang sunugin ang kanyang tulay, kahit pansamantala, sa mga nasa kapangyarihan – na desperadong kunin ang suporta niya. Hinahangaan ko ang giting at gilas niya sa pagsasalita at pagkilos kasama ang mga mamamayan.

Ano ang laman ng paghangang ito? Ano ang nagbibigay-buhay rito?

Ang mga larawan niya kasama ang mga mamamayan, lalo na sa lansangan, sa paghahangad ng pagbabago – noong paglaban sa diktadura, Edsa 1, Edsa 2, mga protesta kontra sa rehimeng Arroyo. Lagi niyang dala ang malambing na ngiti niya, na parang nagsasabing natural lang na hakbangin ang magrali laban sa masamang pamahalaan. May dating siyang nagsasabing tama ang ipinaglalaban. Hindi ko masyadong gusto ang mga larawan niya sa pwesto, bilang pangulo – bagamat marahan niyang ipinapakita sa mga ito na siya, hindi iba, ang pinuno.

Ang mga kwento ng kalmadong tapang niya sa paglaban, tampok ang maanghang na mga pahayag niya kontra kay Marcos, ang kagustuhan niyang sumama agad sa pagkilos sa Edsa 1, ang mga pahayag at pagkilos niya laban kina Estrada noon at Arroyo nitong huli, maging ang pagharap niya sa “standoff” sa Fort Bonifacio noong Pebrero 2006. Noong pinipigilan siyang magpakita sa Edsa 1, dahil baka siya mabaril, sabi niya, “Hindi ba, ang sabi natin, tuluy-tuloy ang laban na ito?” Hindi siya takot sa harapan ng hanay, sa linya ng dangal.

Ang mga panayam niyang anekdota-dito-anekdota-doon ang estilo. Laging nakatanim sa mga kwento ang mga batayan niya sa isang tindig o pagkilos, at kung paano niya nasumpungan ito. “Alam mo… Sabi sa akin ni… Sabi ko naman…” Napakapersonal ng dating ng pakikisangkot niya sa pulitika sa ganitong mga kwento. Mararamdaman kung paano siya inudyukan ng mga mamamayan sa iba’t ibang panahon na makiisa sa pagkilos. Damang-dama niya ang hamon, nang laging may pagpapakumbaba sa ano ang maiaambag niya.

Ang mga pagbabalik-tanaw niya sa mga sakripisyo at kahirapang sinuong. Bagamat kalakhan nito ay may temang relihiyoso, makikita ang mahigpit niyang paniniwala sa kawastuhan ng ipinaglalaban niya, sa mga taong malapit sa kanya, at sa wisyo at aksyon ng mga mamamayan. Makikita ang pag-asa niyang maaalpasan din ang anumang kahirapan. Tulad ng mga aktibista, ipinapakita niya na posibleng tumanda sa tuluy-tuloy na paglaban nang hindi nagpipighati at nagkukwenta ng sakripisyo, at nang napapayabong nito, hindi naigugupo.

Kapansin-pansin ngayon sa mga parangal kay Cory ang pagpapasalamat ng iba’t ibang tao, karaniwan at hindi karaniwan, sa kanya. Sa abang pagtingin ko, nagpapasalamat ang mga tao sa kanya hindi dahil tinitingnan siyang nagbigay nang todo-todo sa paglilingkod sa bayan – hindi lang dahil dito.

Mas mahalaga, nagpapasalamat sa kanya ang mga tao dahil, sa tingin ng marami, mahirap man para sa kanya, ibinigay niya ang hiniling sa kanya ng mga mamamayan sa mahahalagang yugto ng kasaysayan: ang lumaban at mamuno sa paglaban sa mga diktadura at ilehitimong pamumuno.

04 Agosto 2009

KAFU : ethnic – contemporary music fused [Katutubo Fusion]

We invite all the musicians/ bands/ individuals who are interested with music (of any genre) to join in our

Katutubong Fusion Lecture-Workshop or KAFU

this coming

August 15-16 2009,

9 am – 4 pm @

the Faculty Center, UP Diliman, Quezon City.


This is for FREE and open for UP and non-UP affiliated!!!!!!
It is an opportunity for learning, and knowing people with the same interest as yours. So why hesitate *wink*?

Brought to you by: UP Kontemporaryong Gamelan Pilipino, Havaianas and Rock Ed

Sad Face

I’m not gonna start the drama again. No. No. But I can’t stop myself from doing so.

I just feel so alone. I sometimes feel so happy but oftentimes I’d feel the opposite especially when I got home. Most people would make their ‘being busy’ as an antidote for their loneliness or heartaches or whatever pain they might have. They hope that state of being busy would escape them from the sadness they feel. But I experience the other way around. It’s the feeling of actually doing yourself the favor by giving most of your time for your personal errands but at the end of it, you’ll feel such a loser and a loner. The tendency then is not to  escape you but rather lead you towards loneliness.

Yes, I am busy, but with what? With my extra-curricular activities? Meeting with  other people? With my volunteer works?

I am not ranting against what I am doing. I love what I am doing but I just realize that you can’t HAVE IT ALL. There are certain things that require sacrifices, like in my case, I miss the good times I have with my friends and family. It’s the quality time that I am paying off. How I wish at the end of the day, though I am sooo tired from school, I would be surrounded with laughters and chismis and non-stop kulitan with my best buds. But no, that doesn’t happen during these times. Not during my thesis days, not during everynight practices for the upcoming concert, and most specially, not when  you’re trying to figure out the solutions for your personal problems. (No heart/love issues here).

That’s it.  I open this topic not to get anyone’s empathy. I just want to express what I feel through this blog.

SAD.

Me sad.

I am sad. My acads starts to put pressure on me. :(

*CRY* *Wail* *sob*

:( Huhuhu!

I am confusing you guys with the ‘acads’ term that I used. It’s just the short term for academics. :)

For the mean time, if you have twitter accounts, you can add the yellow ribbon to your avatar to show your love for Pres. Cory Aquino.

http://twibbon.com/join/Yellow-Ribbon-for-Pres-Cory

My avatar now looks like this.