Archive for January, 2010

Lutang na naman.

My dad’s cursing me right now coz I don’t want to do what he imposes me to do. Are curses real? I used to believe curses, luck, fate, and such. WTH?!?! Alam mo yung material na ekstensyalismo ng mga bagay-bagay?? Curse whatever you want. They aren’t real.

I am struggling to escape the kind of life I have. It’s totally suffocating me to the point that oppression rots my ego. Naiinis ako na ang daming bagay na pumipigil sa akin. Maraming materyal na kondisyon ang nakapagdidikta kung paano ako kikilos. Ang pamilya ko, higit sa lahat ay parang nabubulok na gulay. One time big time. Noon lang masaya. Di naglaon, hanggang nga, wala ng buhay. Darating din ang araw natuluyan na syang bulok. Hinihintay ko na lang ang panahong iyon. Handa akong tanggapin ang maaring mangyari. Ang sabi ko naman sa sarili ko, at lagi kong tinatandaan, no one is indispensable. Darating ang oras na hindi ko na makakasama ang tatay ko. Ngayon pa nga lang gusto na niyang mamatay. Darating ang oras na ang nanay ko ay mag-aasawang muli. Darating ang oras na pati ang mga kapatid ko ay magsasarili na rin. Hindi ko naman talaga nararamdaman ang esensya ng pagkakaroon ng pamilya. Unti-unti natatanggap ko na, na roon na rin kami papunta.

Binubuhay ko na lamang ang aking sarili sa paniniwalang kailangan ko pa ngang mabuhay o nang dahil humihinga pa ako. Kumbaga, wala akong karapatang huminto hanggat may hangin pang lumalabas sa baga ko. Para na akong buhay na bangkay. Buhay sa pampisikal na kaanyuan ngunit patay sa diwa. O pwede rin robot na lang. Kumikilos dahil kailangang gumana ngunit sinasabing hindi dapat mapagod upang tupdin ko pa ang nakalaang mga trabaho sa mga susunod na araw.

Bente anyos na ako at nararanasan ko na ang dilubyo. Kung tutuusin maswerte pa rin ako kumpara sa iba ngunit malinaw nga na sa edad kong ito, hindi na ako masaya. Ni hindi ko na alam ang pakiramdam ng magmahal. Hindi ko nga alam kung nagmamahal nga ba ako kahit na an pagmamahal na iyon ay sa pamilya o dahil nasasabi ko lang mahal ko lang sila dahil sila ang kinalakhan kong kasama sa buhay ko mula nang akoy ipanganak?

Magulo ba ako? Bahala ka na lang umintindi. Kung ayaw mo namang intindihin wag mo. Basta ako, ganito na ako.

Bags, bags , and more bags!!

Here it is. My online shop is finally OPEN!!! Shop now and grab discounts. Yes, I do offer discounts for 1st five buyers. :)

Go to http://moderntampipi.multiply.com