Sa ngayon…

Napansin niyo bang nawala bigla ang mga luma kong entries? Isa lang ibig sabihin niyan. Binura ko na silang lahat. Naiinis lang kasi ako sa sarili ko habang binabasa ko ang mga iyon. Nalaman kong mga walang kwentang bagay pala ang mga pinagsusulat ko. Ang babaw naman kasi ng pag-iisip ko. Siguro, nagbago na’ng pananaw ko sa buhay. Matagal na rin kasi buhat nang isulat ko ang huling entry ko. Ang childish ng dating sa akin. Sa tagal ng panahon, maraming nagbago (siguro)- ang pagkatao ko, ang mga pananaw ko sa buhay, at maging priorities ko.

Buhat nang tumuntong ako sa edad na 18, maraming pagsubok ang gumulantang sa mundo ko. Sa totoo lang. Nagsabay-sabay lahat ng problema ko. Tungkol sa pamilya, pag-aaral at love life. At sa unang pagkakataon, kinailangan kong maging isang independent na tao. Oo, nabasa mo nga nang tama- independent!

Unang-una sa lahat, natuto akong mapalawak pa ang aking social circle. Ito ang panahon kung kailan ako sumali sa pinakamamahal kong Org- ang UP SHARP. Natuto akong i-appreciate ang social life ko buhat nang pumasok ako sa UP. Hindi naman kasi ako aktibo sa mga orgs noong high school. Ang totoo, ni walang organization sa MaSci. Kung meron man, invitational lang. Sa unang pagkakataon din nakasali ako sa patimpalak ng pagkanta! At siyempre pa, hindi iyon solo (dahil mamamatay ako kung gayon). Sumali ako sa choir ng aming college at kami’y naging bahagi ng inter-college carol fest. Napagtanto kong may talento rin pala ako sa pagkanta. Akalain mo yun?!?

Sa panahong ito rin natututo akong balansehin ang buhay acads at buhay pamilya ko. Kinailangan kong tulungan ang aking pamilyang i-manage ang aming negosyo. Isang fancy restaurant ang naisip ng aking mga magulang at tumagal na rin ito ng 4 na taon. At bilang BS HRIM student, isang paraan na rin ito upang hasain ang aking galing sa pagmamanage ng negosyo. Nakakapagod ngunit kailangan kong kumayod. Kahit pagod na galing sa eskwela, kailangan pa rin magbantay. Naniniwala kasi kaming hindi lalago ang negosyo kung ipagkakatiwala mo lang sa ibang tao. Isa yan sa mga nakatatak na sa isip ko. At napatunayan ko namang ito’y totoo. :idea:

At dahil kasalukuyang naghihirap na ang buhay dito sa ‘Pinas. Napilitang umalis si Mama patungong London upang doon maghanap ng trabaho. Ito ang isang bagay na nagpapahirap sa amin sa ngayon at sinusubukan kong maging matatag. Naiintindihan ko ang hirap na pinagdadaanan ng mga pamilyang hindi buo dahil sa ibang bansa nagtatrabo ang kanilang kaanak. Hindi naman ito ang unang beses na malayo sa aking mga magulang. Ang totoo, nagtrabaho si Mama sa Hongkong noon bilang isang DH at sa Papa sa isang construction sa Taiwan. Pareho silang umalis at ako’y naiwan sa pangangalaga ng aking Lola noong ako’y 4 na taong gulang pa lamang. Buti na lang at napagdesisyunan nilang magsama ulit.

Naging mahirap para sa aming lahat ang panibagong pagsubok na ito lalo na sa aking mga kapatid. Naiintindihan ko ang aming sitwasyon, pero sila?? Sila’y mga bata pa lamang at bilang sila’y lumalaki, mahalagang nasa tabi nila si Mama. Masakit, malungkot :sad: Pero kailangang magtiis.

Bilang isag dalagang tao… dumarami na rin ang mga lalaking nanliligaw sa akin. Nakakatawa na nakakakilig na nakakabaliw na nakakainis. Isa ito sa mga pinakabago sa buhay ko. Ni minsan hindi naman kasi ako nagkaroon ng boyfriend. Noong hayskul, puro pag-aaral lang ang inatupag ko, bilang isang estudyante ng science high school. Wala sa bukabularyo ko ang kumerengkeng :lol: Pero ngayong college na ako.. aba aba… nagugulat lang ako sa mga nangyayari. Kabilaan ang mga nanghihingi ng number ko. At biglang may nagtatanong, “Gusto mo ba ako?”… Nakakaloka! Wait lang ha…. Ngunit kahit na ganoon, priority ko pa rin ang pag-aaral ko at pamilya ko. Sa totoo lang, wala akong balak magkaroon ng boyfriend. Tapos. :roll:

Mahirap kasi sa aking pagsabayin ang lahat ng iyon…. lalo na’t kailangan ako ng aking Papa dahil wala naman siyang ibang katuwang sa pagpapalaki ng aking mga kapatid. Kumbaga, natatakot akong baka ma-out of focus ako. Masarap ma-in love. Pero hindi sa ngayon.

:neutral:

Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Kinakabahan para sa mga darating pa. Pero isa lang ang ibig sabihin nito, kailangan kong maging mas matatag para sa sarili ko at maging sa ibang tao. :cool:

FN 11 culminating activity
hulaan niyo kung sino ako diyan.. :razz:

Leave a Comment

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.