state of confusion

Ito ang parte ng buhay ko kung kailan nagkakasabay-sabay ang lahat. Family issues, Acads, Love life. Kaloka!

Sa totoo lang, mas gusto kong mag-emote ngayon ukol sa isang bagay na nagpapagulo ng utak ko. Gusto ko lang naman kasi linawin sa sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay *tut*. Parang OO na HINDI. Unang-una sa lahat, sobrang naaappreciate ko yung fact na meron palang taong nakakaappreciate sa akin. At sa puntong ito, si *tut* lang talaga ang unang taong diretsahang nagsabi sa akin ng feelings niya. Ang iba kasi dinadaan pa sa pagpaparamdam [na mas nakakalito]. Kung talagang galing sa puso yung sinabi niya, oh well, sobrang matutuwa ako. Kaso, hindi ako kumbinsido sa salita lang. Meron akong feeling na hindi niya talaga minimean yung sinasabi niya. Though alam kong parte noon ay totoo [in fairness to him].

Sinabi ko naman sa kanya simula’t sapul na priorities ko ay ang pamilya ko at studies ko, syempre. Pero bilang isang makulit at pursigidong? tao… :roll: eto, ginugulo niya ang buhay ko! Weird lang kasi, nung minsang hindi ko siya nakita nang isang linggo, na-miss ko siya ng sobra. Pero ayun din yung moment na namimiss ko yung friends ko, mama ko, at kung sinu-sino pa. Kumbaga, state of depression ko yun. At doon, sumabay yung pagkamiss ko sa kanya. Hint na ba yun na meron nga akong feelings for him? Kaya naman nung nalaman ko yung bago niyang number, dahil nawala nga yung fone niya, agad ko naman siyang tinext. At natuwa naman ako na meron na kaming communication ulit. At natutuwa ako pag nakikita ko siya. :???: Weird.

Pero sa ngayon, isang bagay lang ang sigurado. Hindi ko masusuklian ang feelings niya for me. Sure thing po yun! Gusto ko itong sabihin sa kanya pero natatakot ako baka hindi niya na ako pansinin ulit. Kung anuman ang mangyayari, kung sakaling sabihin ko sa kanya ito…. tatanggapin ko nang maluwag. Kahit wala ng ‘hi-o-hello’ galing sa kanya, oh well, ano pa nga bang magagawa ko?

Natatakot din ako [bilang pagpapatotoo sa sarili ko] na baka hindi ko siya maipaglaban sa parents ko. Kilala ko ang mga magulang ko. Bilang sila’y may mataas na pangarap para sa akin, baka hindi nila matanggap si *tut* na isang mananayaw. Wala namang masama sa ganoong trabaho. Katunayan, hindi lang siya isang mananayaw. Maraming taong nakakakilala sa kanya dahil siya ay nanalo sa isang dance show??? Di ko sure.

Basta, ang hirap!

I just can’t commit. Not yet. Not now.

One Response

  1. iska Says:

    huwag mo pabayaang lumipas ang pagkadalaga mo na hindi mo pinapayagan ang sarili mong umibig. :) hindi lamang pagaaral ang kailangan sa buhay. :) kailangan maenjoy mo rin ang iyong kabataan.

Leave a Comment

Please note: Comment moderation is enabled and may delay your comment. There is no need to resubmit your comment.