This is gonna be a short post from your lovely lady, moi.
My relatives are here today to spend All soul’s day, loser though. We were not able to go home in the province and pay visit to our deceased loved ones. What we have are plenty of sticky dishes like the famous Spanish dish Valenciana and also we have Biko. I also prepared macaroni salad and for add-ons, my auntie brought kakanin and one whole piece of chicken which we cooked in convection oven. Yum! Yum! Holidays really are making people fat since food feasting is in no way should be out of the picture. I’m gonna eat by now and I’ll go down and meet my folks. Happy halloween my dear friends. Don’t forget to pray for our loved ones who already passed. God bless to all!
I just want to have time to blog before I start my official “puyatan session” for 105 lab report. To be straightforward to you guys, I do want to write right now coz I am feeling bitter and sad. Why? Umm… Just moments ago I relized that I missed my boyfriend. I mean, my ex boyfriend. Our story never really ended officially coz no closure or any conversations were held during the time we broke up. Our communication just stopped right after our birthday. It was so sudden that none of us either texted the other, as if both were just waiting who shall stop the “useless” thing first. I described our relationship as sort of “useless” for the fact that was a long distance relationship and never did we see each other again almost a month now. Yes, we went along together for 2 months. We had good conversations then but I felt like what were doing was insane! That was crazy dude coz I know it was going to nowhere in the first place. He was far from me. I was in Manila and he was in Batangas. C’mon… but the thing was, I didn’t see any effort from him and I started to have doubts whether he and her ex girlfriend were together again. Everything could happen that time. What I was thinking was very possible. And until now, I have been thinking the same.
I am sad coz suddenly I realized that everything just sink in to me at this moment. Yes, just now. We stopped talking to each other a week ago but the sadness just surfaces at the start of this day. I suddenly miss him, I miss our conversations and I miss hearing his voice. But I can’t cry for him coz I just can’t. I don’t want to cry over such things, though I am hurt. If one day we’ll see each other again, I wish I have moved on and I pray that, that will be the time I have accepted everything that concern us. God, I wish I’ll be ready if that moment comes.
Whatever may be, may be. The future’s not ours to see… Que ser ra, ser ra. What will be will be.
Now that he’s gone and now that it’s over, I am back to my old days. Single and hopefully happy. Yes, I am happy somehow that I can focus on other things, like my studies and work. Now is the time, I think, that should straight up everything that I have mistakenly taken. Yep, in the first place our relationship is not known by my parents. My mom is against, really, in any relationship that I will be having, to be honest. She said to me one day on the phone that she will never really like me to have a boyfriend right now. She will only allow me to have one once I graduate in college. God, that is a huge sin I have done. tsk tsk. Forgive me mom. I will try to be a good girl again. I love my mom so I should not have done that (keeping the relationship) to her and I do declare myself guilty of such action.
I miss my mom so much. She’s been in London for almost 7 months. Damn, that is quite a long time of sadness since I have not been feeling her physical presence at all. I do see her in cam when we chat, I do hear her voice when she calls but what I want really is to feel her skin and flesh beside me, that I can hug her so tight like never before.
To mama, I miss you. We miss you.
How I wish this sadness I feel will vanish only if I can be with you again. I want to go to London soon, so soon.
Good thing blogs are here to serve as my freedom wall to express everything I want to say. Who invented this, I owe this you. Yeeehhaa!
Ito ang parte ng buhay ko kung kailan nagkakasabay-sabay ang lahat. Family issues, Acads, Love life. Kaloka!
Sa totoo lang, mas gusto kong mag-emote ngayon ukol sa isang bagay na nagpapagulo ng utak ko. Gusto ko lang naman kasi linawin sa sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay *tut*. Parang OO na HINDI. Unang-una sa lahat, sobrang naaappreciate ko yung fact na meron palang taong nakakaappreciate sa akin. At sa puntong ito, si *tut* lang talaga ang unang taong diretsahang nagsabi sa akin ng feelings niya. Ang iba kasi dinadaan pa sa pagpaparamdam [na mas nakakalito]. Kung talagang galing sa puso yung sinabi niya, oh well, sobrang matutuwa ako. Kaso, hindi ako kumbinsido sa salita lang. Meron akong feeling na hindi niya talaga minimean yung sinasabi niya. Though alam kong parte noon ay totoo [in fairness to him].
Sinabi ko naman sa kanya simula’t sapul na priorities ko ay ang pamilya ko at studies ko, syempre. Pero bilang isang makulit at pursigidong? tao…
eto, ginugulo niya ang buhay ko! Weird lang kasi, nung minsang hindi ko siya nakita nang isang linggo, na-miss ko siya ng sobra. Pero ayun din yung moment na namimiss ko yung friends ko, mama ko, at kung sinu-sino pa. Kumbaga, state of depression ko yun. At doon, sumabay yung pagkamiss ko sa kanya. Hint na ba yun na meron nga akong feelings for him? Kaya naman nung nalaman ko yung bago niyang number, dahil nawala nga yung fone niya, agad ko naman siyang tinext. At natuwa naman ako na meron na kaming communication ulit. At natutuwa ako pag nakikita ko siya.
Weird.
Pero sa ngayon, isang bagay lang ang sigurado. Hindi ko masusuklian ang feelings niya for me. Sure thing po yun! Gusto ko itong sabihin sa kanya pero natatakot ako baka hindi niya na ako pansinin ulit. Kung anuman ang mangyayari, kung sakaling sabihin ko sa kanya ito…. tatanggapin ko nang maluwag. Kahit wala ng ‘hi-o-hello’ galing sa kanya, oh well, ano pa nga bang magagawa ko?
Natatakot din ako [bilang pagpapatotoo sa sarili ko] na baka hindi ko siya maipaglaban sa parents ko. Kilala ko ang mga magulang ko. Bilang sila’y may mataas na pangarap para sa akin, baka hindi nila matanggap si *tut* na isang mananayaw. Wala namang masama sa ganoong trabaho. Katunayan, hindi lang siya isang mananayaw. Maraming taong nakakakilala sa kanya dahil siya ay nanalo sa isang dance show??? Di ko sure.
Basta, ang hirap!
I just can’t commit. Not yet. Not now.
Napansin niyo bang nawala bigla ang mga luma kong entries? Isa lang ibig sabihin niyan. Binura ko na silang lahat. Naiinis lang kasi ako sa sarili ko habang binabasa ko ang mga iyon. Nalaman kong mga walang kwentang bagay pala ang mga pinagsusulat ko. Ang babaw naman kasi ng pag-iisip ko. Siguro, nagbago na’ng pananaw ko sa buhay. Matagal na rin kasi buhat nang isulat ko ang huling entry ko. Ang childish ng dating sa akin. Sa tagal ng panahon, maraming nagbago (siguro)- ang pagkatao ko, ang mga pananaw ko sa buhay, at maging priorities ko.
Buhat nang tumuntong ako sa edad na 18, maraming pagsubok ang gumulantang sa mundo ko. Sa totoo lang. Nagsabay-sabay lahat ng problema ko. Tungkol sa pamilya, pag-aaral at love life. At sa unang pagkakataon, kinailangan kong maging isang independent na tao. Oo, nabasa mo nga nang tama- independent!
Unang-una sa lahat, natuto akong mapalawak pa ang aking social circle. Ito ang panahon kung kailan ako sumali sa pinakamamahal kong Org- ang UP SHARP. Natuto akong i-appreciate ang social life ko buhat nang pumasok ako sa UP. Hindi naman kasi ako aktibo sa mga orgs noong high school. Ang totoo, ni walang organization sa MaSci. Kung meron man, invitational lang. Sa unang pagkakataon din nakasali ako sa patimpalak ng pagkanta! At siyempre pa, hindi iyon solo (dahil mamamatay ako kung gayon). Sumali ako sa choir ng aming college at kami’y naging bahagi ng inter-college carol fest. Napagtanto kong may talento rin pala ako sa pagkanta. Akalain mo yun?!?
Sa panahong ito rin natututo akong balansehin ang buhay acads at buhay pamilya ko. Kinailangan kong tulungan ang aking pamilyang i-manage ang aming negosyo. Isang fancy restaurant ang naisip ng aking mga magulang at tumagal na rin ito ng 4 na taon. At bilang BS HRIM student, isang paraan na rin ito upang hasain ang aking galing sa pagmamanage ng negosyo. Nakakapagod ngunit kailangan kong kumayod. Kahit pagod na galing sa eskwela, kailangan pa rin magbantay. Naniniwala kasi kaming hindi lalago ang negosyo kung ipagkakatiwala mo lang sa ibang tao. Isa yan sa mga nakatatak na sa isip ko. At napatunayan ko namang ito’y totoo.
At dahil kasalukuyang naghihirap na ang buhay dito sa ‘Pinas. Napilitang umalis si Mama patungong London upang doon maghanap ng trabaho. Ito ang isang bagay na nagpapahirap sa amin sa ngayon at sinusubukan kong maging matatag. Naiintindihan ko ang hirap na pinagdadaanan ng mga pamilyang hindi buo dahil sa ibang bansa nagtatrabo ang kanilang kaanak. Hindi naman ito ang unang beses na malayo sa aking mga magulang. Ang totoo, nagtrabaho si Mama sa Hongkong noon bilang isang DH at sa Papa sa isang construction sa Taiwan. Pareho silang umalis at ako’y naiwan sa pangangalaga ng aking Lola noong ako’y 4 na taong gulang pa lamang. Buti na lang at napagdesisyunan nilang magsama ulit.
Naging mahirap para sa aming lahat ang panibagong pagsubok na ito lalo na sa aking mga kapatid. Naiintindihan ko ang aming sitwasyon, pero sila?? Sila’y mga bata pa lamang at bilang sila’y lumalaki, mahalagang nasa tabi nila si Mama. Masakit, malungkot
Pero kailangang magtiis.
Bilang isag dalagang tao… dumarami na rin ang mga lalaking nanliligaw sa akin. Nakakatawa na nakakakilig na nakakabaliw na nakakainis. Isa ito sa mga pinakabago sa buhay ko. Ni minsan hindi naman kasi ako nagkaroon ng boyfriend. Noong hayskul, puro pag-aaral lang ang inatupag ko, bilang isang estudyante ng science high school. Wala sa bukabularyo ko ang kumerengkeng
Pero ngayong college na ako.. aba aba… nagugulat lang ako sa mga nangyayari. Kabilaan ang mga nanghihingi ng number ko. At biglang may nagtatanong, “Gusto mo ba ako?”… Nakakaloka! Wait lang ha…. Ngunit kahit na ganoon, priority ko pa rin ang pag-aaral ko at pamilya ko. Sa totoo lang, wala akong balak magkaroon ng boyfriend. Tapos.
Mahirap kasi sa aking pagsabayin ang lahat ng iyon…. lalo na’t kailangan ako ng aking Papa dahil wala naman siyang ibang katuwang sa pagpapalaki ng aking mga kapatid. Kumbaga, natatakot akong baka ma-out of focus ako. Masarap ma-in love. Pero hindi sa ngayon.
Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Kinakabahan para sa mga darating pa. Pero isa lang ang ibig sabihin nito, kailangan kong maging mas matatag para sa sarili ko at maging sa ibang tao.
hulaan niyo kung sino ako diyan..
