3. Surgery
Posted in Blog, Heartfelt/Emo, Updates on 05/11/2010 04:42 am by SweethamGrabe, ito na ang magiging matinong post ko for today!!! Hmm… ang sakit sakit nga naman talaga ng pakiramdam pag iniwan ka ng taong mahal mo noh? Grabe, nung una akala ko siya na. Akala ko magkakarelasyon na ako. Dati-rati puro fling lang. Nung dumating siya, akala ko siya na! Shet, hello, NO!!! Iniwan niya rin ako sa ere. Sabi ko nga eh, nakakatawa at nakakainis. Akala ko ako lang ang ayaw PA ng commitment pero siya rin pala. Pero ang pinagkaiba namin, ako hindi ko pa siya kayang i-let go dahil ang sabi ko sa sarili ko, hindi ko kailangang magmadali. mas nanaisin ko pang andito muna siya at kilalanin ko pa siyang maigi. Pero ayun, nauna pala siyang maggive-up! Mas pinili niyang wala na lang ako. Parang gago lang ako kasi naiinis ako sa nangyayari. Bakit? Kasi nasasaktan ako. Hindi ko akalain ganito ‘to kasakit!! Pucha, ito pa, malaman-laman ko ang, na may iba na pala!! Hayup! Ginawa akong gago!
Hay, wala na akong masabi. Masyadong masakit. Pero kaya ko siyang kalimutan, hindi ko lang alam kung gaano katagal.
At dahil depressed ako, nanonood na lang ako ng TV. Hehehe. To get the mood lighter, I watch american series. Wala lang! Natatawa lang ako kasi many girls have breast augmentation surgery. hahaha. May napanood akong Korean movie, hehehe. She was soo fat that she had herself a surgery mula ulo hanggang paa including that *breast*.. Hehehe. Hindi siya makagalaw ng maayos dahil bawal daw mahawakan ng iba. Shet. I won’t bring pain to myself like that!





