Archive for the ‘Tagalog’ Category

KABATAAN PARTYLIST: Isang Milyong Panata

2 more weeks to register. Titiyakin natinG magkaroon ng isang milyong bagong kabataang botante sa buong bayan na magpaparehistro para bumoto. Panata ito na determinado, seryoso, at sama-samang aabutin ng kabataan at bayan.~ Isang Milyon, Isang Panata~ KABATAAN PARTYLIST

Take your pledge NOW!

The first, and only, partylist group for and from the Filipino youth

Super saglit na post lang ito. Nahilo ako sa pabalik-balik sa City Hall ng QC para kumuha ng titulo ng lupa para sa aming feasibility study. Hindi siya nakakatuwa dahil muntik na akong masuka sa hilo pagkatapos kong maglakad-lakad kung saan-saan. Haggard.

Sakit sa bangs!!!!!!!!!

At eto, sa wakas, nakaharap at nakausap ko na rin ang mga miyembro ng Kabataan Partylist UP Diliman Chapter. Sobrang saya ko dahil sa wakas nakaharap ko na rin si Bikoy [www.Bikoy.net]. LOL. Idol ko siya, di niya lang alam! Siya ngayon ang kasalukuyang gumagabay sa organisasyon bilang coordinator ng KPL at UPDiliman.

Ang Kabataan Partylist po ay ang natatanging organisasyon/partido sa kongreso na kumakatawan sa mga interest at idelohiya, maging sa mga hinaing ng mga kabataan sa mga kasalukuyang isyung kinakaharap ng ating bansa.

Kabataan shall uphold, defend, and promote the interests of the youth in the attainment of their full potential as Filipino citizens. It shall uphold youth empowerment by contributing in the process of nation-building and social transformation.

Ayan, malinaw na malinaw naman di ba? Hindi ko lang maitranslate pa sa Filipino dahil mejo nosebleed na at effort pa. :) Haha!

Malaking tagumpay po ito para sa aming mga kabataan ang magkaroon ng kinatawan sa kongreso (si Mong Palatino) sapagkat maliban pa man sa mga bagay na ipinaglalaban ng ibang partylist, nakapokus ito sa pagpapabuti ng kalagayan ng edukasyon, paglalaan ng trabaho para sa mga ‘fresh grads’ , maging sa pagkilala sa mga karapatang pantao ng bawat Pilipino at sa pagbabantay ng ating demokrasya sa pangkabuuan.

At sa tanong kanina sa amin, “bakit ka sumali sa Kabataan Partylist?”

Simple lang naman. Nais ko lang naman maging maalam pa o higit na makaintindi ng mga bagay-bagay. Alam kong yayabong pa ako bilang tao kung lalawakan ko ang aking perspektibo sa buhay. At alam kong may magagawa ako para sa bayan ko at kapwa ko kabataan. :D

Siya nga pala, sa ating bansa, ang YOUTH  ay napapaloob sa edad na 13-35. :)

Sundan niyo kami sa facebook o multiply.


kp-tshitr2

Dispo Check

Sa aming grupo, madalas kami nagkakaroon ng disposition check. Madali lang naman gawin yun. Simple lang, may apat na P kang dapat sagutin.

PAMILYA

PAG-IBIG

PINANSYAL

PAGKILOS

Hahahaha!

At ngayon, gagawa ako ng disposition check sa sarili ko dahil ako’y nauurat! Nauurat ako sa buhay ko. Stressed lang ako sa school kaya ako ganito. Gusto ko magliwaliw. :(

Sa Pamilya-

Hindi maganda ang samahan namin buhat ng umalis ang aking mama patungong London. Ako’y TIGANG sa presensya at pag-aaruga ng isang ina. Walang suportang moral akong nararamdaman mula sa kanya. Pinansyal meron pero higit pa roon ang hinihiling ko.

Sa pag-ibig -

Ehem. Ehem. Ako’y TIGANG din sa aspeto na itong aking buhay. Matagal nang hindi ko pinansin si *******. Pakshet. Hahahahaha!

Sa pinansyal -

LOL. Ako’y malungkot. Malungkot ang kaperahan ngayon sa mundo. Ako’y hamak na estudyanteng naghahanap ng pangtustos sa aking thesis at feasibility study.

Sa pagkilos -

Ay eto! Aktib ako sa ganito. LOL. Marami akong orgs sa school. Very proactive naman ako sa buhay ko kahit na TIGANG ang ilang aspeto nito. Hindi ako nagpapalubog sa mga problema at nagpapadala sa kagulumihanan.

Gets niyo ba ang pananagalog ko? Hahaha. Minsan talaga di ko alam kung saan ko nakukuha ang malalalim na salitang Filipino. :D

At ngayon, gusto kong i-tag sina:

Chikletz , Jepoy , Angel , Paps , Homer , Karen